EverFirst nagbigay ng Free BP Test sa Frisco
Published on April 13, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Isinagawa ng EverFirst ang Free Blood Pressure Test Activity sa Frisco kasabay ng pagdiriwang ng fiesta sa lugar noong February 6 at 7, 2026. Layunin ng dalawang araw na aktibidad na ipakilala ang EverFirst sa komunidad at makapagbigay rin ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen sa pamamagitan ng basic health monitoring.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Ms. Aesthrea Iris Tolentino, District 5 Area Supervisor, kasama ang Branch Head na si John Mark Cabella.
Nakiisa rin sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ang mga Loan Consultant mula sa iba’t ibang sangay sa ilalim ng kanyang area, na kinabibilangan nina:
Celeste Cadampog – Araneta Branch
Marden Advincula – Boni Avenue Branch
Janeth Elpa – Sta. Ana Branch
Arlyn Mae Lagmay – Sta. Mesa Branch
Rosalinda Alvarez – Cubao Branch
Elena Alvero – Sta. Ana Branch
Sa loob ng dalawang araw na aktibidad, umabot sa kabuuang 54 indibidwal ang nabigyan ng libreng blood pressure check, kung saan 8 katao ay noong February 6 at 46 katao naman noong February 7, na nagpapakita ng positibong pagtanggap ng komunidad sa nasabing programa.
Bukod sa serbisyong pangkalusugan, may mga indibidwal din na nagpakita ng interes at nag-inquire tungkol sa EverFirst. Ipinapakita nito na ang aktibidad ay hindi lamang nakatulong sa kalusugan ng komunidad, kundi naging epektibong paraan din upang mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga serbisyong inaalok ng EverFirst.
Sa kabuuan, ang Free Blood Pressure Test Activity ay matagumpay na naisagawa at nagsilbing patunay ng patuloy na malasakit ng kumpanya sa lugar, lalo na sa mga senior citizen, habang pinapalakas ang ugnayan nito sa mas nakararaming mamamayan.
Abangan pa ang mga susunod pang aktibidad na inaasahang isasagawa sa iba’t ibang EverFirst branches, na layuning mas palawakin pa ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at malasakit sa ating mga mahal na pensionado.



