Home / Testimonials / Ang 82-Taong Gulang na Balo na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst
Ang 82-Taong Gulang na Balo na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst
Matapos ang dalawang dekada ng pagdadalamhati at pagkawala, nakatagpo si Aling Marcelina Limon ng patas na pagtrato at tulong sa panahon ng kanyang pangangailangan.
Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Hindi madaling mabuhay nang mag-isa sa gulang na 82. Naulila si Marcelina Limon noong 2005, at sampung taon pagkatapos, muling tinamaan ng pagdadalamhati nang pumanaw ang isa pa sa kanyang mahal sa buhay noong 2015. Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy siyang lumaban — ngunit ang buhay ay hindi laging nagbibigay ng pahinga.
Isang araw, naharap siya sa isang bagay na para sa maraming matatanda ay lubhang nakakatakot: ang banta ng pagputol ng kuryente dahil sa mataas na bayarin na hindi niya makayanan. Wala siyang malapitan, wala siyang mahiraman. Sa gitna ng pangamba at pag-aalangan, naalala niya ang EverFirst.
“Nag-fill up ako noong araw na iyon. Kinabukasan, nakuha ko na. Natapalan ko lahat yung mga bayarin ko. Nawala yung problema ko.”
— Marcelina Limon, EverFirst Q-Mart customer
Sa kanyang first visit, agad naranasan ni Aling Marcelina ang ginhawang hatid ng EverFirst. Mabait ang sumalubong sa kanya, mabilis ang proseso, at hindi siya pinahirapan sa mahabang antayan. Sa araw na iyon, naresolba ang kanyang problema.
Higit pa sa bilis ng serbisyo, ang mas nagpahanga sa kanya ay ang consistency ng pakikitungo, hindi lang sa kanya kundi pati sa iba pang clients na kanyang nasaksihan. Habang siya ay naroon, nakita niya kung paano tratuhin ang bawat isa: may malasakit, may respeto, at pantay ang quality of service para sa lahat.
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





