Home / Testimonials / Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

Minsan, ang pinakamahirap na desisyon ay siya ring nagiging simula ng pagbangon.

Published on August 7, 2026
Lei Capacio

Hindi biro ang kumuha ng loan sa panahon ng kagipitan. Para kay Nelson Ilagan, 61, ng Sta. Ana, Manila, isa rin itong desisyong matagal niyang pinag-isipan. Kahit madalas na niyang naririnig ang tungkol sa EverFirst, nag-atubili pa rin siyang lumapit. Nagbago lamang iyon nang hikayatin siya ng isang mapagkakatiwalaang kumpare noong kailangan ng agarang tulong ang kanyang ina.

Ang unang loan na iyon ang naging daan upang maitawid nila ang isang emergency na hindi na pwedeng ipagpaliban. Mula noon, naging katuwang niya na ang EverFirst sa iba pang mahahalagang pangangailangan ng pamilya, tulad ng matrikula ng kanyang anak, at pang-dagdag sa tuwing kinakapos ang kanilang budget.

Para sa kanya, ang pinakamahalagang naibigay ng serbisyong ito ay hindi lang ang agarang pondo, kundi ang pagkakataong unahin ang kapakanan ng kanyang pamilya sa oras na pinaka-kailangan nila ito.

“Ang masasabi ko lang, ang EverFirst talagang makakatulong sa mga biglaang pangangailangan. Kapag kailangan mo ng solusyon sa problema mo, doon mo sila makikita na talagang makakatulong.”

— Nelson Ilagan, EverFirst Sta. Ana customer

Sa bawat pagbisita sa branch, naranasan ni Tatay Nelson ang mabilis na proseso ng EverFirst. Nakilala at naging kaibigan niya rin ang mga magaan kausap at matulungin na staff, kaya naman napanatag na siya sa bawat transaksyon.

Ngayon, tulad ng kumpare niyang unang nagpakilala sa kanya sa EverFirst, si Tatay Nelson naman ang nagrerekomenda nito sa iba. Para sa kanya, ang tunay na tiwala ay hindi basta nabubuo sa mabilis na solusyon. Ito ay nagmumula sa patuloy na paglilingkod na may respeto, katapatan, at malasakit.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Lakas ng Loob Mula sa Maasahang Takbuhan

    Published On: September 8, 2026
  • Nakahanap ng Kabuhayan Bilang Padala Rider sa Edad na 68

    Published On: August 25, 2026
  • Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

    Published On: July 27, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

    Published On: May 19, 2026
  • Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst

    Published On: May 14, 2026