Home / Testimonials / Ang Karamay sa Hirap at Ginhawa

Ang Karamay sa Hirap at Ginhawa

Masaklap makitang nasa masamang kalagayan ang isang kabiyak na pinangakong aalagaan sa habangbuhay. Sa gitna ng mahirap na sitwasyon, gumagaan ang bigat kapag alam mong may maaasahang kang katuwang.

Published on October 2, 2026
By Mishalei Capacio

Dahil sa mga komplikasyong dulot ng diabetes, kinailangang sumailalim sa operasyon ang asawa ni Tatay Procesor, 74 taong gulang. Matagal na nilang magkasamang hinaharap ang sakit bilang pagtupad sa kanilang pangakong aalagaan ang isa’t isa sa kalusugan at karamdaman.

Hindi naging madali para sa kanilang pamilya ang paghahandang kailangan para sa operasyon. Bukod sa pisikal na kalagayan ng kanyang asawa, kailangan ding isipin ni Tatay Procesor ang emosyonal at pinansiyal na epekto nito sa kanilang pamilya.

Sa paghahanap niya ng financial assistance na maaaring makatulong sa isang retiree, natagpuan niya ang EverFirst. Isa pa sa naging hamon para sa kanya ang pagkumbinsi sa kanyang asawa na kumuha ng loan. Sa huli, napagkasunduan nilang mas makabubuti para sa kanilang pamilya na unahin ang operasyon at iba pang pangangailangang pangkalusugan habang tumatanda silang mag-asawa.

“Pumayag naman siya na ako’y mag-loan. Pinapakinabangan ko po yung perang binibigay ng EverFirst.”

— Tatay Procesor, EverFirst Bulihan Customer

Labindalawang taon na ang lumipas, ngunit nananatiling kasangga ng mag-asawa ang EverFirst sa tuwing may biglaang pangangailangan. Ayon kay Tatay Procesor, nagamit din nila ang kanilang loan para sa pagbabayad ng kuryente at pagpapagawa ng kanilang bahay.

Isa sa mga pinahahalagahan niya sa serbisyo ng EverFirst ay ang mabilis na pag-aksyon at maingat na paggabay sa pagpili ng loan na angkop sa kanilang pangangailangan. Para sa kanya, malaking bagay ang pagkakaroon ng serbisyong madaling ma-access, mula sa loan renewal hanggang home service at personal na pag-asikaso ng staff.

Mahigit isang dekada na siyang customer ng EverFirst dahil sa patuloy na pagtulong nito sa kanyang pamilya, lalo na sa mga panahong higit nilang kailangan ng katuwang.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Lakas ng Loob Mula sa Maasahang Takbuhan

    Published On: September 8, 2026
  • Nakahanap ng Kabuhayan Bilang Padala Rider sa Edad na 68

    Published On: August 25, 2026
  • Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

    Published On: August 7, 2026
  • Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

    Published On: July 27, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

    Published On: May 19, 2026