Home / Testimonials / Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon
Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon
Mula sa simpleng pangangailangan hanggang sa emergency expenses, naging bahagi na ng buhay ni Nanay Aida ang EverFirst sa loob ng dalawang dekada.
Published on May 25, 2026
Noreen Catabay

Sa edad na 75, simple lang ang araw-araw na buhay ni Nanay Aida Hinulan sa Pasay City. Kadalasan, umiikot ang oras niya sa pag-aalaga sa kanyang mga apo at pagba-budget ng perang sapat lang para sa pang-araw-araw na gastusin. Pero tulad ng maraming senior citizens, may mga pagkakataong hindi talaga sapat ang pumapasok na pera lalo na kapag may biglaang bayarin.
Mahigit 20 years na siyang client ng EverFirst Loans Corporation. Ayon kay Nanay Aida, una siyang inalok noon ng loan pero hindi niya agad ito pinansin dahil wala pa naman siyang kailangan. Kalaunan, dumating ang panahong kinapos siya at kinailangan ng dagdag na budget para sa bahay at pamilya. Doon niya unang sinubukan ang EverFirst.
“Sa tagal kong client, napatunayan kong mabilis sila tumulong at maayos kausap kaya kampante akong bumabalik sa EverFirst.”
— Aida Hinulan, EverFirst Malibay Customer
Simula noon, naging takbuhan na niya ito tuwing may emergency o kailangang punan na gastusin. Aniya, malaking bagay para sa kanya ang mabilis na proseso at maayos na pag-asikaso ng staff sa branch.
May dalawang apo si Nanay Aida na tinutulungan hanggang ngayon. Para sa kanya, mahalaga ang may mapagkakatiwalaang partner sa mga panahong gipit ang budget. Sa loob ng dalawang dekada, nanatiling bahagi ng buhay niya ang EverFirst dahil sa consistent na serbisyo at maayos na trato sa kanya bilang customer.
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





