Home / Testimonials / Isang 74-Taong Gulang na Ina na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst
Isang 74-Taong Gulang na Ina na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst
Sa gitna ng sunod-sunod na pagsubok—sakit ng anak, kakulangan sa pera, at pagkakasakit ng kapatid sa probinsya—natuklasan ni Aling Emma Abarizo ang isang lugar na handang tumulong.
Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Hindi madaling maging ina ng isang PWD — lalo na kung ang iyong anak ay dumaan sa matinding trauma sa edad na 18 taong lamang. Mula noon, hindi na tumigil ang mga gastusin: maintenance na gamot, buwan-buwan na injection, at regular na check-up. Ang pera ay laging kulang, ngunit ang pangangailangan ay hindi tumitigil.
Sa edad na 74, pinatunayan ni Emma Ramirez Abarizo mula Marikina na hindi kailanman huli ang pagbibigay ng pagkakataon sa bagong solusyon. Matapos siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa EverFirst, pinili niyang subukan ito.
“Parang naingganyo ako na subukan,” sabi niya.
At sa kanyang karanasan, naging maayos at maaasahan ang naging proseso—kaya’t wala siyang pinagsisihan.
“Pag pumunta ka, lahat nakangiti. Mabilis ang proseso, maayos ang papel. Ayun ang nagustuhan ko — at ayun ang dahilan kung bakit hindi na ako umalis.”
— Emma Abarizo, EverFirst Marikina customer
Agad na nagbigay ng ginhawa kay Nanay Emma ang kanyang unang karanasan sa EverFirst. Batid nya na mabait ang mga tauhan, maayos ang proseso ng mga papeles, at hindi siya pinagod sa matagal na paghihintay. Sa loob lamang ng isang araw, ang kanyang pag-aalinlangan ay napalitan ng tiwala.
Ngunit higit na nasubok ang kahalagahan ng serbisyong ito nang dumating ang isang mabigat na pagsubok sa kanilang pamilya. Biglang nagkasakit ang kanyang nakatatandang kapatid sa Iloilo, at kinailangan niyang umuwi agad. Sa tulong ng EverFirst, naging posible ang kanyang agarang pag-uwi.
“Pinamasahe nila ako sa eroplano,” pagbabahagi niya.
Sa gitna ng krisis, naranasan ni Nanay Emma ang hindi lamang pinansyal na tulong kundi pati malasakit—isang bagay na hindi niya inaasahan ngunit lubos na pinahalagahan.
Mula noon, tuloy-tuloy na ang pag-renew ni Nanay Emma. Kahit mahigpit ang budget at marami ang gastusin, pinipili pa rin niyang manatili dahil para sa kanya, ang EverFirst ay hindi lang isang serbisyo, kundi isang kundi isang trusted partner niya sa buhay.
Mabilis na Proseso
Naaprubahan at naasikaso nang walang matagal na antayan
Mapagkalingang Serbisyo
Bawat kliyente, tinatrato nang may dignidad at ngiti
Tunay na Solusyon
Nakatulong kahit sa pinaka-mahirap na sandali ng buhay
Para sa isang babaeng dumaan sa maraming pagsubok, ang EverFirst ay naging higit pa sa isang institusyong pinansyal. At ang kanyang mensahe sa lahat? “Subukan ninyo. Maaring tatagal din kayo katulad ko.”
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





