Home / Testimonials / Isang Linggo sa Ospital, Isang Desisyong Nagpabago ng Lahat

Isang Linggo sa Ospital, Isang Desisyong Nagpabago ng Lahat

Para kay Tatay Reynaldo, ang tunay na tulong ay hindi lamang pinansyal — ito ay ang pakiramdam na may nagmamalasakit.

Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

May mga sandaling sa buhay na hindi ka makakaantay — at si Tatay Reynaldo Denaga, 61-anyos na PWD pensioner mula sa Mandaluyong City, naranasan nito nang personal. Isang linggo sa ospital ang kanyang anak, at kasabay nito ang nagsisi-ipon na pangangailangan: bayarin sa ospital, gamot, at pang-araw-araw na gastusin na hindi kayang hawakan ng kanyang pension nang mag-isa. Sa gitna ng pagod at pag-aalala, naghanap siya ng paraan.

Dahil sa rekomendasyon ng isang kaibigan, lumapit si Mister Reynaldo sa EverFirst branch sa JP Rizal. Hindi siya sigurado kung ano ang aasahan niya dahil marami ang nagsasabing mahirap mag-loan kung PWD ka, pensioner ka, o kung hindi mo mapapatunayan ang malaking kita. Ngunit ang nangyari sa loob ng branch ay labis na nakakaiba sa kanyang inaasahan. Mabilis ang proseso, malinaw ang bawat hakbang, at higit sa lahat, naaprubahan siya kaagad.

“Madali silang lapitan at hindi ka na papahiya. EverFirst po tayo.”

— Reynaldo Denaga, EverFirst JP Rizal customer

Sa tulong ng EverFirst, nakabili si Tatay Reynaldo ng mga kailangan sa ospital at nakapagbigay ng dagdag na suporta sa kanyang anak . Ang loan ay hindi lang naglutas ng financial na problema — nagbigay ito ng kapayapaan ng isip para makapag-focus siya sa mas mahalaga: ang pagiging presente para sa kanyang pamilya.

Ngayon, si Tatay Reynaldo ay patuloy na bumabalik sa EverFirst tuwing may karagdagang pangangailangan. Mula noon, inirerekomenda niya ito sa kanyang mga kapwa pensioner at PWD. Para sa kanya, ang EverFirst ay hindi huling opsyon kundi ang tamang paraan, may respeto, may malasakit at walang kahihiyan sa proseso.

Sa EverFirst, bawat Pilipino kasama ang aming mga PWD at pensioner ay may karapatang ma-access ang tulong pinansyal nang may dignidad at kaginhawaan. Sa bawat pangangailangan, nandito kami para sa inyo.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

    Published On: August 7, 2026
  • Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

    Published On: July 27, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

    Published On: May 19, 2026
  • Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst

    Published On: May 14, 2026
  • Sa Gamot, Pagkain, at mga Apo ang Bawat Hiram sa EverFirst

    Published On: May 11, 2026