Home / Testimonials / Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

Sa likod ng bawat loan ay isang pamilyang unti-unting bumabangon, isang pangarap na natutupad, at isang tiwalang pinipiling panindigan sa paglipas ng mga taon.

Published on July 27, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Sa edad na 76, simple ang araw-araw na buhay ni Nanay Soledad Pedrigal Valdenor sa Barangay San Antonio. Tulad ng maraming magulang, hindi naging madali ang pagharap sa mga gastusin ng pamilya. Pero para sa kanya, ang bawat sakripisyo ay may malinaw na dahilan. Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Noong kailangan niyang maghanap ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang anak sa kursong Accountancy, nagpasya siyang lumapit sa EverFirst. Hindi niya inakala na ang isang desisyong iyon ay magiging simula ng isang matagal na relasyon na aabot ng maraming taon.

Nakapagtapos ang kanyang anak, isang tagumpay na dala ng tiyaga at tulong na dumating sa tamang panahon. Ngunit hindi doon nagtapos ang kwento.

May isa pang hamon na dumating. Naisanla ang kanilang lupa dahil sa pangangailangan ng pamilya. Para kay Soledad, hindi lamang ari-arian ang lupang iyon. Bahagi iyon ng kanilang pinaghirapan at alaala.

“Ginamit ko sa tuition ng anak ko hanggang nakagraduate siya. Hindi lang iyon. Naisanla ko ang lupa namin, at napantubos ko rin sa tulong ng EverFirst.”

— Azucena Ting, EverFirst Sangandaan customer

Bukod sa financial loan assistance, ang mabilis na proseso ang isa sa mga dahilan kung bakit nanatili ang kanyang tiwala. Aniya, kapag nakapag-fill out siya ng requirements sa umaga, madalas ay nakukuha na niya ang loan sa hapon. Sa mga panahong kailangan agad ang tulong, malaking bagay ang mabilis at maayos na serbisyo.

Sa pagdaan ng mga taon, hindi nagbago ang kanyang desisyon.

May mga kwentong hindi nasusukat sa halaga ng loan, kundi sa mga pagbabagong naidudulot nito sa buhay ng isang tao. Para kay Nanay Soledad, ang EverFirst ay naging bahagi ng mga mahahalagang yugto ng kanyang buhay. Mula sa pagpapaaral ng anak hanggang sa pagtubos ng kanilang lupa, nabuo ang isang relasyon na nakabatay sa tiwala, respeto, at malasakit. Sa bawat panibagong pangangailangan, alam niyang may isang lugar na handang makinig at tumulong nang may pag-unawa.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

    Published On: August 7, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

    Published On: May 19, 2026
  • Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst

    Published On: May 14, 2026
  • Sa Gamot, Pagkain, at mga Apo ang Bawat Hiram sa EverFirst

    Published On: May 11, 2026
  • Sa Oras ng Emergency, EverFirst ang Naging Sandalan

    Published On: May 6, 2026