Home / Testimonials / Kwento ng Inang Nag-loan Para sa Kinabukasan ng Kanyang mga Anak

Kwento ng Inang Nag-loan Para sa Kinabukasan ng Kanyang mga Anak

Para kay Imelda Marquez Mendoza, ang pag-loan sa EverFirst ay hindi lamang tungkol sa pera — ito ay isang pagmamahal na inihanda para sa mga taong pinaka-mahal niya sa mundo.

Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Ang isang ina ay laging nag-iisip ng mauna — hindi sa sarili, kundi sa mga anak. Ganyan ang pag-iisip ni Nanay Imelda Marquez Mendoza, 67 taong gulang, taga Kamagong Street, San Pablo City. Bago pa man siya tumanggap ng anumang tulong, isa na siyang naghahanap ng paraan para matiyak na kahit wala na siya balang araw, may masisilungan pa rin ang kanyang pamilya.

Kaya ako nag-loan dito para maiayos ko ang bahay — kung sakali mang mawala ako, may matitirahan ang aking mga anak.

 Imelda Marquez Mendoza, EverFirst San Pablo customer

Ang bahay na dati ay nangangailangan ng ayos ay unti-unting naging mas maayos at mas ligtas, isang tahanan na mas komportable para sa kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit para kay Imelda, hindi lang ang anyo ng bahay ang nagbago. Mas malaking pagbabago ang naramdaman niya sa loob niya—ang kapanatagan na hindi siya nag iisa.

“Pag oras na mahirapan ako, nandyan kayo, hindi ninyo ako pinababayaan,” ani niya, na may halong pasasalamat at tiwala.

Sa bawat pagkakataong kailangan niya ng tulong, nariyan ang EverFirst na handang umalalay. Sa kanyang karanasan, mabilis na natutugunan ang kanyang mga pangangailangan at hindi niya kailanman naramdaman na pinapabayaan siya. “Sa awa ng Diyos, maayos naman. Wala akong nagiging problema,” dagdag niya.

Sa huli, ang pinanghahawakan ni Nanay Imelda ay hindi lamang ang tulong na kanyang natatanggap, kundi ang tiwala na may kasama siyang maaasahan sa bawat hamon ng buhay. Ang pakiramdam na iyon ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas araw araw.

Ngayon, simple pero malalim ang mensahe ni Nanay Imelda: “Sana may makatulad sa akin—huwag mahiyang lumapit kung nasa kagipitan ka. May maaasahan kayo dito.”

Para sa kanya, ang mga karanasang ito ay hindi lang tungkol sa tulong na kanyang natanggap, kundi isang bagay na nais niyang ipamana sa iba—ang lakas ng loob na humingi ng tulong at ang tiwalang may mga taong handang umalalay. Sa ganitong paraan, ang kanyang kwento ay nagiging inspirasyon, isang paalala na sa bawat hamon, may pagkakataon para bumangon at may mga sandaling hindi mo kailangang harapin mag isa.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Sa Oras ng Emergency, EverFirst ang Naging Sandalan

    Published On: May 6, 2026
  • Isang 74-Taong Gulang na Ina na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst

    Published On: April 7, 2026
  • Isang Linggo sa Ospital, Isang Desisyong Nagpabago ng Lahat

    Published On: April 7, 2026
  • Kwento ni Brother Peter: Ang Taong Nagtatala ng Alaala

    Published On: April 7, 2026
  • Umuwing galing Saudi, Nag Bagong Simula sa EverFirst

    Published On: April 7, 2026
  • Ang Kwento ng Tatlong Beses na Pagtulong kay Ate Julieta

    Published On: April 7, 2026