Home / Testimonials / Kwento ni Brother Peter: Ang Taong Nagtatala ng Alaala

Kwento ni Brother Peter: Ang Taong Nagtatala ng Alaala

Sa edad na 73, natuklasan niya na ang pinakamahalagang bagay na maiwan mo sa mundo ay ang mga kwentong nagpatunay na ikaw ay nabuhay nang may layunin.

Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

May mga taong kahit wala pang kausap ay parang may kwentong handang ibahagi. Isa na rito si Mister Peter Enorme, mas kilala bilang Brother Peter ng Antipolo City, Rizal. Sa edad na 73, hindi siya nauubusan ng ideya. Mahilig siyang mag compose ng mga kanta, pati na rin ng mga alaala at kwentong nais niyang maiwan sa mga susunod na henerasyon.

Kaya naman nang tanungin siya tungkol sa kanyang karanasan sa EverFirst, hindi lamang isang simpleng sagot ang kanyang naibigay kundi isang kwentong may lalim at damdamin.

Noong 2022, dumating ang isang sitwasyong pamilyar sa maraming Pilipino ang pangangailangan ng pera na hindi na maaaring ipagpaliban. Sa halip na maghanap pa ng ibang mapagkukunan, naalala niya ang EverFirst Masinag at nagpasya na dito lumapit.

Sa kanyang karanasan, naging magaan ang buong proseso. Mabilis, maayos, at malinaw ang bawat hakbang kaya agad niyang natugunan ang kanyang pangangailangan. Higit sa lahat, ang mababang interest ay malaking tulong upang maging mas kaya ang pagbabayad at hindi mabigatan sa gastusin.

“Simula ngayon, hanggang magpakailanman, dapat pumunta sila sa EverFirst.”

— Pedro Enorme, EverFirst Masinag customer

Ngunit ang pinaka-natatanging bahagi ng kwento ni Brother Peter ay hindi ang loan mismo kundi ang dahilan kung bakit niya ito ibinabahagi. Bilang isang taong mahilig mag compose, alam niya ang halaga ng pagtatala ng mga sandaling nagbigay ng kaginhawaan. Para sa kanya, ang kwentong ito ay isang alaala at patunay na sa panahon ng pangangailangan, may institusyong tumugon nang may kagandahang-loob at propesyonalismo.

“Kung wala na ko rito,” aniya nang may ngiti, “may aalaala ako noong nasa EverFirst pa pala ko.”

Tatlong taon na siyang loyal na kliyente ng EverFirst Masinag at hindi niya itinatago ang kanyang karanasan. Ikinukwento niya ito sa mga kaibigan, kapitbahay, at sinumang nangangailangan ng tulong pinansyal. Para kay Brother Peter, ang EverFirst ay hindi lamang isang institusyon na pinupuntahan dahil wala kang choice. Ito ay isang lugar na pinipili mo dahil alam mong laging handang tumulong, may respeto sa bawat kliyente, at laging nandito para sa inyo.

Sa EverFirst, bawat kwento ng kliyente ay patunay ng aming pangako: tumulong nang may dignidad, mabilis, at may mababang interest para sa bawat Pilipino. Huwag mag-atubili. Lagi kaming nandito para sa inyo.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Sa Oras ng Emergency, EverFirst ang Naging Sandalan

    Published On: May 6, 2026
  • Isang 74-Taong Gulang na Ina na Natagpuan ang Sandigan sa EverFirst

    Published On: April 7, 2026
  • Isang Linggo sa Ospital, Isang Desisyong Nagpabago ng Lahat

    Published On: April 7, 2026
  • Umuwing galing Saudi, Nag Bagong Simula sa EverFirst

    Published On: April 7, 2026
  • Ang Kwento ng Tatlong Beses na Pagtulong kay Ate Julieta

    Published On: April 7, 2026
  • Sa Bawat Pagsubok, Kasama ng Pamilya ni Nanay Nimfa ang EverFirst

    Published On: April 7, 2026