Home / Testimonials / Nakahanap ng Kabuhayan Bilang Padala Rider sa Edad na 68

Nakahanap ng Kabuhayan Bilang Padala Rider sa Edad na 68

Sa gitna ng problema, nakahanap si Tatay Rene ng pagkakataong hindi niya na pinalampas. Ito na ang nagbukas sa mga pintong naghihintay lamang sa kanya.

Published on August 25, 2026
Mishalei Capacio

Marami talagang matutuklasan sa loob ng mga social media app. Para kay Tatay Rene Valencia, 68, ng Cainta, dito niya rin nahanap ang isang pagkakataon—sagot upang matupad ang isang hangarin na matagal na niya ang pinagpapaliban.

Habang nagbabasa si Tatay Rene ng mga post sa kanyang social media feed, isang account ang nakakuha ng pansin niya. Madalas itong magbahagi ng mga serbisyo ng EverFirst at manghikayat na sumubok din ang iba. Naisip niya na ito na ang tamang solusyon para matuloy ang isang bagay na matagal na niyang pinaplano. Kaya naman nagtanong na siya sa opisyal na page ng EverFirst tungkol sa pag-avail ng loan.

“Nag-inquire ako. Fully attentive sila. First inquiry mo pa lang, ibibigay nila lahat yung mga option sa iyo.”

— Rene Valencia, EverFirst Cainta customer

Ayon kay Tatay Rene, ang kagustuhan niyang maging padala rider ang naging dahilan kung bakit siya unang nag-loan. Sa pagpunta niya sa EverFirst Cainta ay naliwanagan siya kung anong type ng loan ang makakatulong sa kanya. Gamit ang pondo galing sa kanyang unang loan, inasikaso ni Tatay Rene ang mga requirement na kailangan niya. Dahil dito ay napagtagumpayan na rin niya ang kanyang hangarin na maging ganap na padala rider.

Para kay Tatay, malaking bagay ang credibility at quality ng serbisyo para mapanatag sa isang loan service. Dahil sa mga matulungin at magalang na staff, pati na rin sa bilang ng pinagkakatiwalaan na branch sa bansa, ay nagtiwala si Tatay sa EverFirst. Dito niya nakita ang tamang pagkakataon para masolusyonan kanyang problema, kaya hindi na niya ito pinalampas. Ngayon, anim na buwan na siyang may kaagapay sa kanyang mga hangarin sa buhay.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Lakas ng Loob Mula sa Maasahang Takbuhan

    Published On: September 8, 2026
  • Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

    Published On: August 7, 2026
  • Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

    Published On: July 27, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

    Published On: May 19, 2026
  • Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst

    Published On: May 14, 2026