Home / Testimonials / Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

Paano Naramdaman ni Nanay Brigida ang Respeto at Tulong

Sa EverFirst, hindi lang tulong pinansyal ang natagpuan ni Nanay Brigida, kundi respeto, malasakit, at pakikitungong may dignidad araw-araw.

Published on May 19, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Sa edad na 76, marami nang pinagdaanan si Nanay Brigida Surla pagdating sa paghahanap ng matatakbuhan tuwing may biglaang gastusin. Sanay na siya sa hirap ng pangungutang, pero aminado siyang hindi lahat ng karanasan ay magaan dalhin.

May mga pagkakataong mas mabigat pa ang pakiramdam kaysa sa problemang pinansyal mismo. Kaya nang makilala niya ang EverFirst, doon niya unang naramdaman ang simpleng bagay na matagal niyang hinanap: respeto.

“Nasubukan ko na po sila. Hindi sila nagpapahiya ng tao. Tinutulungan nila ang mga nangangailangan.”

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng paanyaya mula sa isang kinatawan ng EverFirst. Walang pilitan at walang matitinding pangako. Sinubukan niya lamang, at kalaunan, doon na nabuo ang kanyang tiwala.

“Dito ko naranasan na tutulungan ka nang may respeto, kaya dito na ako nagtitiwala.”

— Brigida Surla, EverFirst Angeles City Customer

“Simula nang masubukan ko ang EverFirst, dito na lang ako. Mas pipiliin ko na pong dito kaysa mangutang sa iba.”

Nagagamit ni Nanay Brigida ang kanyang loan para sa pang-araw-araw na pangangailangan at pagpapaayos ng bahay. Ngunit higit pa sa tulong pinansyal, ang mas tumatak sa kanya ay ang maayos na pakikitungo ng mga tao sa branch.

“Dito, nakangiti sila. Ramdam mong mababait at marunong tumanggap ng tao.”

Dahil sa magandang karanasan, hindi rin niya ipinagdadamot ang kanyang tiwala sa iba. Para kay Nanay Brigida, malaking bagay ang makahanap ng lugar kung saan hindi ka hinuhusgahan kapag humihingi ng tulong, kundi inuunawa at tinatanggap nang may malasakit.

Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.

Recent Testimonials

  • Lakas ng Loob Mula sa Maasahang Takbuhan

    Published On: September 8, 2026
  • Nakahanap ng Kabuhayan Bilang Padala Rider sa Edad na 68

    Published On: August 25, 2026
  • Ang Desisyong Ginawa ni Tatay Nelson para sa Pamilya

    Published On: August 7, 2026
  • Isang Lupang Naibalik, Isang Pamilyang Umusad Muli

    Published On: July 27, 2026
  • Ang Loan na Binalikan ni Nanay Aida sa Loob ng 20 Taon

    Published On: May 25, 2026
  • Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst

    Published On: May 14, 2026