Home / Testimonials / Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst
Relos, Puhunan, at Tiwalang Nabuo sa Paglipas ng Panahon sa EverFirst
Sa mahigit apat na dekada ng paggawa ng relos, isang simpleng loan ang naging katuwang ni Tatay Alfredo Panganiban sa pagpapatuloy ng kaniyang hanapbuhay.
Published on May 14, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Sa loob ng mahigit apatnapung taon, si Tatay Alfredo Panganiban ay nabuhay sa paggawa at pagkukumpuni ng relos. Simula pa noong 1974, dito na umikot ang kaniyang kabuhayan isang trabahong nangangailangan ng tiyaga, sapat na puhunan, at maingat na pagtuon sa bawat detalye.
Pero tulad ng maraming maliliit na manggagawa, may mga panahong kinakapos siya sa kapital para sa mga piyesa at materyales na kailangan sa trabaho.
Noong 2019, sa tulong ng isang kakilala, doon niya unang nakilala ang EverFirst.
At sa kanyang karanasan, naging maayos at maaasahan ang naging proseso—kaya’t wala siyang pinagsisihan.
“Kasi, nagipit ako, nagtanong ako sa kababayan ko dito eh, paano mag-loan dito.”
Sa simula, isa lamang itong praktikal na hakbang para maipagpatuloy ang kaniyang hanapbuhay. Kalaunan, naging bahagi na rin ito ng kaniyang regular na sistema sa trabaho.
“Anim na taon na kagapay ko sa buhay ko ’to. Siyento porsiento, nakakatulong lalo na sa mga materyales na binibili ko para sa relos.”
Malaking bagay rin para kay Tatay Alfredo ang mabilis at maayos na proseso, lalo na’t malapit lamang ang EverFirst Concepcion Bayanbayanan branch sa kaniyang pinagtatrabahuhan.
“Dito na ako palagi naglo-loan. Mabilis ang proseso at mapagkakatiwalaan. Kaya dito na ako bumabalik.”
— Alfredo Panganiban, EverFirst Concepcion Bayanbayanan Customer
Sa pagdaan ng panahon, hindi lamang tulong pinansyal ang kaniyang nahanap kundi tiwala rin—isang kapanatagan na may maaasahang malalapitan sa tuwing kinakailangan niyang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho.
Sa bawat relos na kaniyang inaayos, kasabay ding umaandar ang kuwento ng pagpupursige at pagpapatuloy ng isang kabuhayang hindi basta tumitigil.
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





