Home / Testimonials / Sa Bawat Pagsubok, Kasama ng Pamilya ni Nanay Nimfa ang EverFirst
Sa Bawat Pagsubok, Kasama ng Pamilya ni Nanay Nimfa ang EverFirst
Mula sa pag-aaral ng mga anak, sa paggaling ng asawa mula sa sakit, hanggang sa paglago ng kanilang negosyo, naging katuwang niya ang EverFirst.
Published on April 7, 2026
Lawrenze Abby Lucero

May mga desisyon sa buhay na parang maliit lang sa simula—pero kalaunan, sila pala ang nagiging pundasyon ng lahat. Para kay Nanay Nimfa Basig, isang maybahay mula San Francisco del Monte, Quezon City, ganoon ang naging simula ng kanyang kwento sa EverFirst. Isang simpleng pagpunta sa Araneta branch para sa unang loan na walang kasiguraduhan, pero may pag-asa.
Hindi niya akalaing ang hakbang na iyon ang magbubukas ng isang 23-taong relasyon na magiging sandigan ng kanyang pamilya sa iba’t ibang yugto ng buhay.
Unang dahilan niya noon ay simple pero napakahalaga—ang mapag-aral ang kanyang mga anak. Sa tulong ng EverFirst, unti-unti niya itong naisakatuparan hanggang sa dumating ang araw na nakita niyang nakapagtapos ang kanyang anak. Isang tagumpay na bunga ng sakripisyo at tamang desisyon.
Ngunit tulad ng karamihan, hindi naging madali ang lahat.
“Hindi na kami umaaalis. Doon na lang kami — kasi konti lang tubo. Sa iba talaga malaki. Syempre, pipiliin mo yung nakakatulong sa iyo.”
— Nimfa Magno Basig, EverFirst Araneta customer
Dumating ang panahon na nagkasakit ang kanyang asawa—isang pagsubok na hindi nila inaasahan. Sa gitna ng pangamba at pangangailangan, muling naging sandigan ang EverFirst. Dahil sa mabilis at maayos na proseso, agad nilang natugunan ang pangangailangan nang hindi na nadadagdagan ang kanilang iniisip.
Sa awa ng Diyos, nakabawi ang kanyang asawa.
Pagkatapos ng unos, sumunod naman ang panibagong yugto, ito ang pagbangon at pag-unlad. Ginamit nila ang kanilang loan para sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Mula sa pangangailangan, naging oportunidad ito para sa mas maayos na kinabukasan.
Mula edukasyon, kalusugan, hanggang kabuhayan—iisa ang naging katuwang nila sa bawat hakbang.
EverFirst.
Para kay Nanay Nimfa, hindi komplikado ang dahilan ng kanyang pananatili:
“Hindi na kami umaalis. Doon na lang kami—kasi konti lang ang tubo. Sa iba, talagang malaki. Simple lang, pipiliin mo kung saan ka natutulungan.”
Sa simpleng paliwanag na ito, makikita ang tunay na halaga ng serbisyo—lalo na para sa mga pamilyang may responsibilidad. Dahil ang maliit na diperensya sa interest ay may malaking epekto sa pang-araw-araw na buhay.
Sa loob ng 23 taon, si Nanay Nimfa Basig ay hindi lang naging kliyente—naging tagapagtaguyod siya. Ibinahagi niya ang EverFirst sa kanyang mga kaibigan at kapamilya, dala ang tiwalang napatunayan na niya mismo.
At sa huli, ang kanyang simpleng hiling:
“Sana tumagal pa ang EverFirst… para sa mga susunod na henerasyon, dito pa rin sila.”
Isang kwento ng tiwala, katatagan, at pagpili sa kung saan ka tunay na natutulungan—hindi lang minsan, kundi sa buong paglalakbay ng buhay.
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





