Home / Testimonials / Sa Gamot, Pagkain, at mga Apo ang Bawat Hiram sa EverFirst
Sa Gamot, Pagkain, at mga Apo ang Bawat Hiram sa EverFirst
Sa edad na 70, ang pagkakaroon ng maaasahang malalapitan ay malaking ginhawa sa araw-araw na buhay.
Published on May 11, 2026
Lawrenze Abby Lucero

Sa tahimik na bahagi ng Camarin, Caloocan City, simple lang ang araw-araw na buhay ni Tatay Reynaldo Catolico. Sa edad na 70, naging mas maingat siya sa paggastos para sa gamot, pagkain, at maging sa maliit na baon para sa mga apo.
Hindi naman daw siya naghahanap ng malaking tulong. Ang mahalaga lang para sa kaniya ay may matatakbuhan kapag kinakailangan.
Doon naging bahagi ng kaniyang buhay ang EverFirst.
Una raw itong nakilala ng asawa niyang si Susan sa EverFirst Camarin branch. Kalaunan, siya na rin mismo ang nag-loan at patuloy na bumabalik dahil sa naging maayos niyang karanasan.
“Wala naman akong ibang pinasukan kundi sa inyo eh. Kaya ko nagustuhan, kasi madali.”
— Reynaldo Mansion Catolico, EverFirst Camarin Customer
Minsan ay para sa gamot at bitamina ang loan niya, minsan naman ay para makatulong sa maliit na gastusin sa bahay at pamilya.
“Tiyaga lang tapos ibabayad sa gamot, vitamin. Minsan sa pangkain, minsan sa mga apo, binibigyan ko ng baon.”
Malaking bagay rin para kay Tatay Reynaldo ang mabilis na proseso ng loan application, lalo na kapag kinakailangan agad ang pera.
“Pag nag-refill up ka, automatic, mabilis. Two days lang makukuha mo na.”
Sa pagdaan ng panahon, nabuo ang tiwala niya sa branch na matagal na niyang binabalikan. Para kay Tatay Reynaldo, mahalaga ang pakiramdam na may lugar na handang umintindi sa simpleng pangangailangan ng ordinaryong tao.
At para sa kaniya, iyon ang klase ng tiwalang nananatili sa paglipas ng panahon.
Pindutin ang link na ito para mapanood nang buo ang video.





